top of page
LET’S SEE - AGOT, BIANCA, DINGDONG ATBP. ATENISTA, TAMEME SA KAHIHIYAN NG ATENEO SA PAGKAM

Batas kontra paninipol, panghihipo, pangmamanyak online pirmado na ni P-Digong | Mga bastos, matutur

  • Ryan B. Sison
  • Jul 17, 2019
  • 1 min read

“HI, beh”, “sexy, ano number mo?”, dalawa lang ‘yan sa mga pangungusap na sinasabi tuwing may nabibiktima ng pangha-harass na nagreresulta para mabastos at hindi maging komportable ang indibidwal.

Gayunman, siguradong matutuwa ang lahat dahil pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na “Safe Space Bill” o Anti-Bastos Bill na may layuning labanan ang gender-based sexual harassment sa kalsada, public places, online at iba pa.

Sa ilalim ng Republic Act 11313, ipinagbabawal na ang “catcalling” o pagsipol, panghihipo, mga homophobic, transphobic at seksuwal na patutsada sa mga babae at maging sa mga miyembro ng LGBT community.

Gayunman, alam nating karamihan sa mga nabibiktima ng pambabastos ay ang mga babae kung saan hindi maibabase sa kanilang pananamit kung bakit sila binabastos dahil kahit ‘yung ibang balot na balot, nagiging biktima pa rin nito.

Kaya dapat lamang na nilagdaan na ang nasabing batas nang sa gayun ay magkaroon ng pormal na reklamo sakaling may makaranas nito.

Samantala, aabot sa P100, 000 ang multa at pagkakulong ng isang buwan ang ipapataw na parusa sa mga indibidwal na lalabag sa batas depende sa uri ng gender-based harassment.

Kaya ang panawagan natin sa lahat, maging maalam at magreklamo agad kung kinakailangan.

Huwag tayong pumayag na madagdagan ang mga biktima ng pambabastos na hindi makalaban dahil sa takot at trauma na kanilang naranasan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page