UTILITY WORKER DEDO SA KAALITAN
SOUTH COTABATO—Isang utility worker ang pinagtataga hanggang sa mapatay ng kanyang kaalitan, kamakalawa sa loob ng provincial capitol sa Bgy. Poblacion, Koronadal City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Ronelo Lumawag, samantalang, ang suspek ay si Ric Villa, kapwa residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, habang naglilinis si Lumawag sa treasurer’s office ng kapitolyo ay pinasok ito ni Villa at saka pinagtataga hanggang sa mapatay.
Kaagad namang nadakip ng mga rumespondeng pulisya ang suspek.





Comments