Si P-Digong ang pumayag na mangisda ang mga Intsik sa 'Pinas pero, si VP Leni ang pinasisibak, n

HINDI SI VP LENI ANG NAKAGAWA NG BETRAYAL OF PUBLIC TRUST KUNDI SI P-DUTERTE —Ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson, malabong ma-impeach si VP Leni Robredo kasi walang betrayal of public trust nang suportahan nito ang imbestigasyon ng United Nations on Human Rights Council (UNHRC) sa EJK o extrajudicial killings sa bansa dahil ang Pilipinas daw ay kasapi ng UNHRC.
Ewan natin sa mga alipores ni P-Duterte kung bakit si VP Leni ang gustong ipa-impeach, gayung ang totoong nakagawa ng betrayal of public trust ay ang amo nilang pangulo kasi base sa Konstitusyon, labag sa batas ang pagpapahintulot nitong mangisda sa dagat ng Pilipinas ang mga Chinese, boom!
◘◘◘
AYAW PAAWAT NI HARRY ROQUE SA PAGPAPAPANSIN—Sinabihan ni ex-Presidential Spokesman Harry Roque si Associate Justice Antonio Carpio na dapat daw mag-resign ito sa Supreme Court (SC) bago magkomento sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
Talagang ayaw paawat ni Roque sa pagpapapansin kay P-Duterte sa pag-asang mabigyan ulit siya ng puwesto sa gobyerno, he-he-he!
◘◘◘
HINDI TRABAHO NG MGA PULIS ANG MAGLINIS NG EBAK—Sa galit ni Mayor Isko Moreno nang makatapak siya ng “ebak” sa Bonifacio Shrine sa tabi ng Manila City Hall, agad niyang sinibak ang may jurisdiction sa lugar na si P/Lt. Rowel Robles, hepe ng Lawton Police Precinct ng Manila Police.
Sa totoo lang, sablay ang pagsibak ni Mayor Isko kay Lt. Robles kasi ang trabaho ng pulis ay labanan ang kriminalidad at hindi maglinis ng “ebak” ng sinuman, period!
◘◘◘
MGA BATA NI MAYOR ISKO SA WASTE MANAGEMENT ANG DAPAT NIYANG SINIBAK—Ang bawat local government units (LGUs) ay may tanggapan na kung tawagin ay waste management department na ang trabaho ay linisin ang mga dumi sa nasasakupan nilang mga lugar.
Ibig sabihin, dapat ang sinibak ni Mayor Isko ay ang mga bata niya sa waste management department at hindi ang pulis, boom!





Comments