Sexual harassment sa trabaho, iskul, online, pati sa tibo at bading | KULONG AT MULTA SA BASTOS!
- Mylene Alfonso
- Jul 16, 2019
- 1 min read

GANAP nang batas ang Safe Space Bill o Anti-Bastos Bill na naglalayong labanan ang gender-based sexual harassment sa kalsada, public places, online, workplaces at educational and training institutions.
Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang batas noong Abril 17, 2019, taliwas na naunang naiulat na awtomatiko itong naging batas nang hindi aksiyunan ng pangulo.
Batay sa Republic Act No. 11313, bawal ang paninipol, panghihipo, mga homophobic, transphobic o mysogynistic remarks o mga negatibo at seksuwal na patutsada sa mga babae at maging sa miyembro ng LGBT, unwanted invitations at iba pang uri ng gender-based harassment.
Minamandato sa local government units na magpasa ng ordinansa para rito at inaatasan ang MMDA at PNP na siyang manghuli ng mga lalabag sa mga probisyon sa batas.
Kaugnay nito, papatawan ng P1,000 hanggang P100,000 multa at maaaring makulong ng hanggang isang buwan ang lalabag sa batas depende sa uri ng gender-based harassment.
Kasama rin sa tinukoy ng batas ang iba’t ibang uri ng online sexual harassment tulad ng online intimidation, invasion of privacy, cyberstalking at maging harassment sa educational at training institutions.





Comments