Para sa mga beshy natin diyan na gustong mag-business... TIPS PARA MABILIS NA MAKABENTA ONLINE
- Donna Thea Topacio
- Jul 16, 2019
- 1 min read

NAGPAPLANO ka bang mag-business online? Sakto, beshy, dahil mayroon tayong ilang tips para masigurado ninyong kikita at makabebenta kayo ng items sa madali at matalinong paraan. Kaya narito ang 5 ways para maging maganda ang takbo ng negosyo online:
1. BE APPROACHABLE. Dapat hindi ka mapagmataas dahil ikaw ang nakikiusap na tangkilikin ang products na ibinebenta mo hangga’t maaari maging approachable ka para hindi matakot ang customer na magtanong sa iyo tungkol sa items mo.
2. LEARN HOW TO ADJUST. Siyempre, dapat mas iintindihin mo ‘yung kapasidad ng customer, ‘yung hindi siya maha-hassle sa pagkuha ng items, gayundin, fast transaction dapat.
3. CHOOSE THE RIGHT ECOMMERCE SOFTWARE. Sa rami ng software at application ngayon, make sure, na hindi kayo makikibahagi sa madalas na inirereklamo ng customer nang sa gayun ay hindi kayo madamay sa pagkakaroon nila ng bad image.
4. GIVE AN INCENTIVE TO YOUR CLIENTS. Kung nagkaroon kayo ng customer na halos pakyawin na ang mga paninda ninyo, mainam kung bibigyan sila ng incentives.
Halimbawa, free shipping o free item na mapakikinabangan talaga nila.
5. PRODUCT IMAGE. Kung ano ang hitsura sa picture ng product, dapat ganundin sa personal.
‘Ika nga, ikonsidera ninyo ‘yung tinatawag na “expectation vs. reality”. Copy?
Oh, ayan, make sure na susundin ninyo ang mga tip na ito para hindi kayo ma-bankrupt, mga beshy!
Have a better life, okay?





Comments