top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Panraraket ng mga tongpats kolektor sa divisoria, tuloy pa rin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 16, 2019
2 min read

SA patuloy na paglilinis sa Maynila ni Mayor Isko mula noong day one nito, patuloy din sa iba’t ibang raket ang umano’y sindikato sa koleksiyon ng tongpats sa kaawa-awa at nag-iiyakang mga vendor sa Divisoria.

Nakatanggap ng im­pormasyon ang inyong lingkod mula sa mapag­kakatiwalaang tagapagpa­tupad ng batas na hindi raw natitigatig o natatakot kay Manila Mayor Isko ang ginagawa nitong clearing operation sa mga iligal at sniper na vendor ng Underground Syndicate na kumokolekta ng tongpats.

Ayon sa sumbong, alas-siyete ng gabi hanggang alas-sais ng umaga ang ibinigay daw ni Mayor Isko para makapagtinda ang mga vendor sa kahabaan ng C.M. Recto mula Jose Abad Santos hanggang sa Road 10 kung saan alas-singko ng umaga ay tutunog ang sirena, hudyat para mag-empake na ng kanilang paninda ang mga vendor para pagsapit ng alas-sais ng umaga ay malinis na ang mga kalye ngunit, bago ang senaryong ito ay penitensiya ang mga vendor sa sindikato dahil sa tarimang (lamesa) sinasabi na rito kinukuha ang tongpats ng sindikato sa mga sumusunod:

  1. ‘Pag naglatag ka ng tarima (lamesa), sisingilin ka ng P100, araw-araw.

  2. ‘Pag ang lamesa mo ay isa ang paa — P20.

  3. ‘Pag dalawa ang mga paa — P40.

  4. ‘Pag sa gabi ay kailangan mo ng ilaw, kokolektahan ka ng sindikato o kolektong ng P80, gabi-gabi.

  5. ‘Pag ang katabi mong vendor na walang ilaw, pero naaambunan ng konting liwanag mula sa may ilaw na vendor, kokolektahan ka ng P20, gabi-gabi.

  6. Bawal din magdala ng malaking payong dahil kaila­ngan daw ang mga sindikato ang magpo-provide ng gaga­miting payong ng vendor at sisingilin ka ng P40, iba sa araw at sa iba sa gabi.

  7. Bawal din daw mag­dala ng upuan ang vendor dahil ang sindikato ang magdadala nito na babayaran ng P20 kada araw.

O, Mayor Isko, para sa inyong kaalaman, base sa ating nakalap na impor­masyon mula sa mga mapagkakatiwalaang source, narito ang mga miyembro ng sindikatong patuloy na namamayagpag at walang takot sa ginagawa ninyong paglilinis sa Maynila, partikular na sa Divisoria kahit walang latag sa labas ng bangketa, pero tuloy ang kolektong nina alyas Boy Intsik, Lalan, Joan, Odet, Apeng, Larry alyas Boy Boga, Hendrix, Macky Boy Dispalko alyas Naparin, Lisa at Bambam. Mayor Isko, alam mo na! Hindi lang ‘yan marami pa sila!

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page