top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

National dengue alert, idineklara ng DOH

Madel Moratillo
Jul 16, 2019
1 min read

SA kauna-unahang pagkakataon, idineklara ng Department of Health (DOH) ang national dengue alert sa bansa.

Kasunod ito ng mabilis na pagtaas ng mga kaso ng dengue sa ilang rehiyon sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, lumagpas na epedemic threshold ang mga naitalang kaso ng dengue sa Western Visayas (13,164), CALABARZON (11,474), Central Visayas (9,199), SOCCSKSARGEN (9,107) at Northern Mindanao (8,739).

Habang ilang rehiyon naman ang lumagpas na sa alert threshold ng DOH.

Ito ay sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, CALABARZON, Bicol, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Cordillera Administrative Region.

Sa pinakahuling datos ng DOH mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon ay nasa 450 na ang naitalang nasawi dahil sa dengue habang umabot naman sa 106,630 ang dengue cases na mas mataas kaysa 57,564 dengue cases na kanilang naitala sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Duque na walang epidemya ng dengue sa buong bansa dahil ito ay regional lamang.

Kaugnay nito, itinaas na ng DOH sa code blue alert ang sitwasyon sa nasabing mga lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page