top of page

Layuning bigyan ng scholarship grants ang mga mag-aaral na gustong kumuha ng kursong Education, apru

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 16, 2019
  • 2 min read

DAAN-DAANG klase, libu-libong estud­yante, tatlo o mahigit na dekada nang pagtu­turo —‘yan ang isang guro.

Para sa mga batang mag-aaral, idolo at ‘da best ang kanilang mga teacher. Tumatagos sa isip at puso ng mga bata ang mga bagay na kanilang sinasabi at ginagawa.

Bukod sa kanilang mga magulang, sila rin ay nagsisilbing inspirasyon, tagapayo sa edukasyon at maging tagagabay sa personal na buhay.

Anuman ang kanilang magagandang iti­nuro sa mura nitong edad, hindi nila nama­malayan ay dala na pala nila ito sa kanilang mga trabaho, pagtataguyod ng pamilya at hanggang sa pagtanda.

Sa madaling salita, makabuluhan ang pa­pel ng mga ito sa kinabukasan ng mga mag-aaral.

Kasama sa responsibilidad ng gobyerno na pangalagaan ang kapakanan ng mga guro dahil sakop nito ang obligasyong protekta­han at palaganapin ang de-kalidad na edu­kasyon para sa kabataang Pilipino.

Mabuti na lang at maraming organisas­yong pang-edukasyon sa ating bansa ang ma­sinsinang tumutulong upang mapaunlad ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Isa na rito ang non-profit organization na Philippine Business for Education (PBEd) na mayroong programang Scholarships for ­Tea­chers’ Education Programs to Upgrade Tea­chers’Quality in the Philippines (STEP UP). Dito, pinag-aaral ng limang taon ang mga Education degree student nang produk­tibo, may galing at kumpetensiya.

Ilan sa kanilang mga ibinibigay na su­porta para sa mga scholar ay ang mga pre-service training tungkol sa pananaliksik, komunikas­yon at iba pa. Mayroong 300 STEP UP scho­lars mula sa Philippine Normal University (PNU) at University of Sto. Tomas (UST) at sa kasalukuyan, 113 estudyanteng nagsipag­tapos sa PNU ay nakakuha ng 100% pas­sing rate sa Licensure Examination for Tea­chers (LET).

Ilan lamang ito sa maraming istorya ng tagumpay ng nasabing mga mag-aaral.

Hindi natin napapansin, napakalaking tu­long ng ganitong mga inisyatibo dahil mas marami pang bilang ng mga guro sa buong bansa ang ating kakailanganin para sa luma­laking populasyon ng mga kolehiyo at luma­lawak na mga pangangailangan sa sektor ng edukasyon.

Para makamit natin ito, kinakailangang ma­sugpo ang anumang kakulangan sa sistema ng edukasyon sa pamamagitan ng pagkaka­roon ng sapat at magagaling na guro, lalo na sa mga liblib at malalayong lugar sa ating bansa.

Ito ang motibasyon natin para isulong sa Senado ang Senate Bill No. 906 o Teachers’ Education Scholarship Program Act na nag­lalayong magbigay ng scholarship grants sa mga estudyanteng gustong mag-enroll sa kursong Bachelor of Arts o Bachelor of Science in Education at makapagbigay ng incentives sa mga estudyante para kumuha ng karera sa pagtuturo sa mga paaralan na nakatalaga sa kanilang tinitirhang probin­siya.

Pagkakalooban ang mga kuwalipika­dong mag-aaral ng full time na four-year scholar­ship at pagkakataong makapagtrabaho sa kanilang lugar kapag nakatapos.

Libre ang kanilang matrikula, itinakdang aklat, school supplies, equipment, damit at uniform allowances at iba pang school fees.

Bilang tagasulong sa Senado ng de-kali­dad na edukasyon para sa lahat mula kinder­garten hanggang sa kolehiyo ngayong ika-18 Kongreso ay patuloy nating tututukan at tutugunan ang kalagayan ng mga mag-aaral at propesyunal na guro.

Dahil sa huli, malawak, malaki at mala­lim ang impluwensiya ng mga guro na hinding-hindi maaaring malampasan ng kabataan para sa kanilang kinabukasan. Ganu’n kahalaga ang ating mga guro!

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page