Gustong malaman kung may discount ang mga PWD sa dental services

Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung mayroon bang 20% discount at VAT exemption sa dental services ang persons with disability (PWD)? — Lilia
Dear Lilia,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 6.5, Rule IV ng Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 10754 o mas kilala bilang “An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability” kung saan nakasaad na:
“Section 6.5 Medical and Dental Services, Diagnostic and Laboratory Fees and Professional Fees of Attending Doctors – This shall apply to the availment of medical and dental services including diagnostic and laboratory fees by persons with disability in government facilities or private hospitals and medical facilities. The said discount and exemption shall also apply to the professional fees of attending doctors in such facilities. xxx” [Binigyang-diin.]
Sang-ayon sa nabanggit na alituntunin, binibigyan ang PWDs ng discount at VAT exemption sa mga dental services na kanilang gusto at kailangan i-avail.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments