2 preso nakapuga
Levi Gonzales
Jul 16, 2019
1 min read

DALAWANG preso ang nakatakas sa Bureau of Jail Management and Penology sa Bgy. Timugan, Los Baños, Laguna.
Sa ulat ng pulisya, pasado alas-5:00 ng umaga nang mapansin ng duty jailer na bukas ang pintong rehas ng Dorm 7.
Wasak ang kandado kung saan positibong nakatakas sina Mark Robin Gira, may kasong child abuse at Christopher Paco, may kasong robbery at iligal na droga.
Patuloy ang manhunt operation ng kagawaran ng selda upang agad silang maibalik sa kulungan.





Comments