Wish na pumayag na ang doctor… KRIS, IPINAGSIGAWAN KUNG BAKIT GUSTONG GAWIN ANG PELIKULA

Nitz Miralles / BIDA

UMALIS kahapon si Kris Aquino para sa five nights na bakasyon at may nabanggit siyang may isu-shoot na Christmas endorsement at reunion nila ito ng product na muling ii-endorse niya.
For Christmas campaign ang isu-shoot ni Kris at kaya in-advance ay dahil wala sila sa bansa sa buong August at nabanggit na lilipad sila for Hawaii.
May nabanggit pa si Kris na pinayagan na siya ng lahat to shoot, kaya umaasa ang kanyang mga fans na pati sa shooting ng MMFF entry na (K)Ampon ay pinayagan din siya ng kanyang mga doctors.
Sabi pala ni Kris, kaya niya gustong gawin ang (K)Ampon ay para kay Bimby. “Bimb was too young to appreciate Feng Shui in 2014. Kaya ko gustong gawin ito, I want my bunso to see his mama in the genre she loves most-it’s been a tough year for him. There’s this part of me na gustong matapos ang taon na nakita niyang after all the trials (name it, dinaanan namin) OKAY ang mama niya. Not sure if another opportunity will come our way, and as much as gusto ko ‘to for me, mas gusto ko ‘to for my sons to be reassured na hindi sumuko ang mama nila. Baka mahirap, maintindihan, but those na lumaki/just 1 parent will understand.”





Comments