Tubig sa angat dam, sadsad uli

MAS mababa na sa critical level ang tubig sa Angat Dam, Linggo ng umaga.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa 159.15 meters na lamang ang tubig sa Angat Dam alas-6:00 ng umaga o mas mababa sa 160 meters na critical low level nito.
Ito ay sa kabila ng mga pag-ulan dulot ng Habagat at mga nararanasang thunderstorm.
Noong Hunyo ay bumaba na rin sa kritikal na antas ang Angat Dam ngunit, dahil sa Bagyong Egay at hanging Habagat ay bahagyang umangat ang tubig nito.
Mababa na rin ang water level sa iba pang dam sa bansa tulad ng Ipo, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams habang ang water level sa La Mesa at Bingo Dams ay bahagyang tumaas.
Umaasa ang PAGASA na ang Bagyong Falcon ay makapagdudulot ng sapat na ulan sa mga dam sa bansa lalo na sa Angat Dam upang madagdagan ang antas ng tubig na isinusuplay sa Metro Manila.





Comments