SAN JUAN MADODOMINA KAYA ANG PAG-ARYA SA CBA?
- BULGAR

- Jul 15, 2019
- 1 min read

MAITULOY kaya ng San Juan ang dominasyon sa amateur basketball sa Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Cup? Masusubok ang katatagan ng Knights na umaarya sa iba’t ibang collegiate-based league at sa MPBL ngayong taon, sa pakikipagtuos sa South champion Naga sa winner-take-all championship duel ng Founder’s Cup ng homegrown grassroots development league sa Hulyo 15.
Sinabi ni CBA founding president Carlo Maceda na ang duwelo ng Knights Exile at Water Borne ay inaasahang magbibigay ng katatagan sa pundasyon na itinatag niya sa pagbuo ng liga sa nakalipas na tatlong buwan. “We expect a good fight between San Juan and Naga for the bragging rights to become the first-ever CBA national champion and the P1-million prize,” pahayag ni Maceda sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) noong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila. (MC)





Comments