Sa mga madalas magising ng madaling-araw diyan, read n‘yo ‘to! 5 sanhi nG PAPUTUL-PUTOL NA TULOG
- Jersey Sanchez
- Jul 15, 2019
- 2 min read

LAHAT tayo, eh, gusto ng kumpleto at tuluy-tuloy na tulog. Pero, madalas nating hindi naa-achieved ito dahil nagigising tayo sa kalagitnaan ng gabi kung saan dito na nagsisimula ang ating pagpupuyat. Ano ba ang sanhi ng paputul-putol na tulog? Hmmm…
1. USING TOO MANY LIGHTS. Ayon sa pag-aaral, ang paggamit ng artificial light pagkatapos ng sunset ay nakapagpapabagal sa pag-release ng sleep-promoting hormone na melatonin. Gayunman, ang mga “night owl” ang mas sensitive sa epektong ito kumpara sa iba.
2. INDIGESTION. Kung nagkaroon ka ng ‘heavy dinner’, mataas ang tsansa na magising ka sa madaling-araw nang hindi komportable, bloated at kailangang mag-CR. Para maiwasan ito, mag-dinner ng apat na oras bago ang iyong bed time, gayundin, huwag kang kumain nang marami para mabilis ma-digest ang pagkain na nasa tiyan mo. Copy?
3. USING MINTY TOOTHPASTE. Paborito natin itong gamitin dahil nakapagbibigay ito ng refreshing feeling sa atin. Pero, ayon sa mga eksperto, ang mint ay oral stimulant kung saan nagigising nito ang utak at nagiging sanhi ng hirap sa pagtulog o paggising sa madaling-araw. Hindi lamang sa toothpaste, mga besh, ang mga linen spray, essential oil o kandila na mayroong mint ay may parehong epekto.
4. NOT SAVING YOUR BED FOR SLEEPING. Minsan, lahat ng iba pang gawain natin ay tinatapos natin sa kuwarto, partikular sa kama tulad ng take home work, panonood ng TV at pagbabasa ng libro. Dahil dito, maaari umanong maiugnay ng utak ang bedroom sa waking activities.
5. BEING OVEREXCITED. Ayon sa mga eksperto, ang stress ay pangunahing sanhi ng insomnia. Pero, dahil ito ang nagiging reaksiyon ng katawan natin sa anumang negatibong bagay o emosyon, ang dami ng positibong emosyon ay may parehong epekto rin. Dahil dito, nai-stimulate ang hormones para maging alerto tayo.
Nakagugulat, ‘di ba? ‘Yung mga simpleng ginagawa natin, eh, hindi natin alam na nakaaapekto na sa ating pagtulog. Kung gusto ninyong maging maganda ang inyong tulog, make sure na babaguhin ninyo ang ibang nakasanayan n’yo, ha? Okie?
Opmerkingen