PARAK TODAS SA ENGKUWENTRO
CAMARINES SUR—Isang pulis ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga rebeldeng New People’s Army (NPA), kamakalawa sa Bgy. Payak, Bato sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang napatay na pulis hangga’t hindi naipaaalam sa kanyang pamilya ang nangyari sa biktima.
Ayon sa ulat, nagkasalubong ang mga rebelde at tropa ng pamahalaan sa nasabing barangay at dito naganap na engkuwentro na ikinasawi ng biktima.
Sa kasalukuyan ay patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga NPA na nakapatay sa biktima.





Comments