Pag-isyu ng tax declaration sa real property na hindi pa naideklarang alienable and disposable land
- BULGAR

- Jul 15, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Nag-isyu ng tax declaration ang isang empleyado sa aming munisipyo sa lupa na hindi pa naideklarang alienable and disposable land. Wala pa dapat nagmamay-ari ng nasabing lupa. Mayroon bang batas na posibleng makapagparusa sa kanyang ginawa? — Dani
Dear Dani,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Presidential Decree 705 o mas kilala sa tawag na Revised Forestry Code. Nakasaad sa Section 75 nito na:
“Section 75. Tax declaration on real property. Imprisonment for a period of not less than two (2) nor more than four (4) years and perpetual disqualification from holding an elective or appointive office, shall be imposed upon any public officer or employee who shall issue a tax declaration on real property without a certification from the Director of Forest Development and the Director of Lands or their duly designated representatives that the area declared for taxation is alienable and disposable lands, unless the property is titled or has been occupied and possessed by members of the national cultural minorities prior to July 4, 1955.” (Binigyang-diin)
Ayon sa nasabing batas, maparurusahan ng pagkakakulong na hindi bababa sa dalawang taon hanggang apat na taon ang sinumang public officer o empleyado ng gobyerno na mag-iisyu ng tax declaration sa real property na walang sertipikasyon na ito ay naideklara nang alienable and disposable land. Mapapatawan din ng parusang habambuhay na diskuwalipikasyon na manilbihan bilang elective o appointive official ang sinumang mapatunayang lumabag sa panuntunang ito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments