top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nairita sa mga nagtatawanan, pumatay

Levi Gonzales
Jul 15, 2019
1 min read

DEDO ang isang lalaki makaraang saksakin sa dibdib ng hindi pa nakikilalang suspek sa Westbank Floodway, Bgy. San Andres, Cainta, Rizal.

Sa inisyal na ulat, pasado alas-2:00 ng madaling-araw, kasama ng biktimang si Lando Dacalos, ang kanyang mga kagrupo.

Habang patuloy umano ang kanilang kuwentuhan at may kasama pang tawanan at halakhakan nang biglang nakihalubilo sa kanila ang suspek.

Kinompronta umano nito ang biktima dahil sa ingay ng mga ito.

Maya-maya pa ay nag-init ang ulo ng suspek sabay kuha ng kanyang patalim saka pinagsasaksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang salarin at dali-dali pang dinala sa pagamutan ang biktima subalit, binawian din ito ng buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page