top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Miyembro ng MILF. timbog sa baril

Maeng Santos
Jul 15, 2019
1 min read

ISANG lalaki na hinihinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front ang arestado sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores ang naarestong suspek na si Gamal Guitum, 41, may asawa, ng Bgy. 188, Tala.

Ayon kay Col. Flores, ala-1:00 ng hapon nang magsagawa ng anti-criminality campaign ang SWAT at SIB North sa pangunguna ni Plt. Col. Crisanto Lleva kontra sa lahat ng uri ng iligal na aktibidad matapos ang natanggap na ulat hinggil sa madalas umanong pagpupulong ng mga armadong kalalakihan.

Nang komprontahin ng mga pulis ang grupo ng kalalakihan ay nagtakbuhan ang mga ito sa magkakahiwalay na direksiyon na naging dahilan upang magkaroon ng habulan hanggang sa isang lalaki ang napansin habang nagpapalit ng damit at may nakasukbit na baril sa kanyang beywang.

Walang naipakitang mga dokumento sa kanyang baril ang suspek na naging dahilan upang arestuhin ito at narekober sa kanya ang cal. .45 pistol na kargado ng magazine na may pitong bala.

Nakuha rin sa bulsa nito ang pito pang bala, kasama ang ilang identification cards kabilang ang MILF ID.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page