top of page
Linda Walker - Circulated.jpg

Mga sintomas ng katarata

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 15, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Lately, napansin kong parang may ulap akong nakikita sa isa kong mata. Iniisip kong baka ito ay dahil sa aking diabetes, pero may maintenance ako para rito. Nang ma-check-up ang mata ko, sinabi ng doktor na may katarata raw ako at may posibilidad na operahan ito depende sa desisyon ko. Okay pa naman ang paningin ko kaya binigyan niya ako ng eyedrop para rito. Gusto kong malaman kung kailangan bang operahan ito kahit okay pa naman ang aking paningin maliban sa parang may ulap ang isa kong mata? — Herbert

Sagot

Ang cataract o katarata ay ang panlalabo ng “lente” ng mga mata ng bawat indibidwal. Maaaring magkaroon ang isa o magkabilang mata. Ang katarata ang kadalasang sanhi ng pagkabulag.

Narito ang ilan sa mga sintomas ng katarata:

  • panlalabo ng paningin, lalo na sa gabi

  • mapusyaw na tingin sa kulay

  • pagkasilaw sa maliwanag na ilaw

  • pagdodoble ng paningin

Gayunman, upang makumpirma ang katarata, kailangang pumunta sa eye specialist upang isagawa ang mga kaukulang test tulad ng visual acuity testing. Ito ay ang pagsukat ng linaw ng mga mata sa pamamagitan ng eye chart.

Upang maeksaming maigi ang loob ng mga mata at dilated eye exam, ginagawa kung saan nilalagyan ng gamot na pampalaki o pang-dilate ang pupil o itim ng mga mata.

Sa pagkakataong ito, ini-examine ng eye specialist kung maayos ang retina, isang parte ng mga mata na kumbaga sa camera, ito ang plaka o film. Tinitingnan din ang optic nerve, ang nerve na nagta-transmit ng signal mula sa mga mata papunta sa ating utak.

Ang panghuli ay ang tonometry na sumusukat ng pressure ng ating mga mata. Mahalagang ang lahat ng ito ay normal upang masigurong katarata lamang ang dahilan ng paglabo ng mga mata.

Ano ang iba’t ibang uri ng katarata?

Karamihan nito ay dahil sa katandaan ngunit, mayroong mga katarata na ang sanhi ay glaucoma, dulot ng diabetes o dahil sa paggamit ng steroid, samantalang, ang traumatic cataract ay sanhi ng sugat o pagkabugbog ng mga mata.

Ang congential cataract naman ay nagsisimula sa pagkapanganak habang ang radiation cataract ay nakukuha sa radiation tulad ng x-ray.

Gayundin, kung bago pa lamang ang cataract, maaaring mapaiigi ang paningin sa pamamagitan ng bagong eyeglasses o anti-glare sunglasses.

Kailangang operahan ang katarata kapag nakaaapekto na ito sa mga karaniwang gawain tulad ng pagbabasa, pagmamaneho at panonood sa telebisyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page