James at Paulo, pangalawa at pangatlo lang… COCO, INAMIN NG BEAUTY QUEEN


SINORPRESA ng Miss Philippines Foundation Incorporated (MPFI) president na si Mr. Vic Torre ang reigning queen ng Miss Philippines na si Cheska Loraine Apacible nu’ng dumating siya from her successful stint sa Miss Tourism Queen International 2019 Elite na ginanap sa China kamakailan.
Hindi napigilang umiyak ni Cheska, or si Kai na tawag sa kanya ng kanyang pamilya at mga kaibigan, nu’ng salubungin at batiin siya ng parents niya during the welcome party na ibinigay sa kanya ng MPFI.
“Hindi ko po akalain na darating sila rito,” mixed-emotions na sabi ni Cheska.
Nagsimulang sumali sa beauty contest si Kai noong 2014. Ika-pitong beses niya ang pagsali sa Miss Philippines kung saan nakuha niya ang korona at naging representative ng Pilipinas sa ginanap na pageant sa China.
Nag-uwi ng karangalan si Kai bilang Miss Charity sa pageant kung saan si Miss China ang grand winner.
Ang 5’6" tall na si Kai ay nagtapos ng kursong Business Administration, Major in Human Resource Development sa Batangas State University.
Tatlong taon nang ginagawa ng MPFI ang Miss Philippines pageant sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism.
Mula sa Region 1 hanggang 12 ang mga kandidata ng Miss Philippines. And after two years, si Mr. Vic Torre na ang president ng organisasyon.
“Ang advocacy ko po is ‘yung aim din po ng Miss Tourism Queen International Elite which is to promote the tourism po ng buong mundo especially po para sa akin, ‘yung Pilipinas po, there’s so much tourism spots na mas maipagmamalaki pa po ng Pilipinas beside sa Boracay and Palawan,” lahad ni Kai.
May one year contract si Kai sa Miss Philippines Foundation Incorporated.
“Pagkatapos po siguro ng contract ko with Miss Philippines, plano ko po na sumali sa Miss Earth, Mutya ng Pilipinas and Binibining Pilipinas. Kapag may opportunity, grab po. Kasi po baka pagsisihan ko pagtanda ko. Adventure rin po at saka explore the world po.”
Plano rin ni Kai na subukan ang show business after her reign. May talent daw siya on dancing.
“Sana po, makatrabaho ko si Coco Martin. Probinsiyana naman po ako, eh. And Coco Martin is one of the best actors po sa Philippines. Si James Reid po, pangalawang choice ko. Third po, Paulo Avelino po. Kasi po si Paulo, long-long time crush ko po siya.”
In fairness, mahusay siyang pumili, huh?





Comments