Harry Roque biglang epal, nagbabakasakaling bigyan ulit ni P-Digong ng puwesto

NATAMEME SI LACSON SA RESBAK NI REP. CAYETANO — “Country first, before self-interest.” Ito ang banat ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson kay “incoming” House Speaker Alan Peter Cayetano na nagpanukalang pahabain ang termino ng mga kongresista, ang dati raw na tatlong taong termino ay gawing apat o limang taong termino.
Ang resbak ni Rep. Cayetano sa banat sa kanya ni Sen. Lacson, gagawa raw siya ng panukalang gawing tatlong taon ang termino ng mga senador.
Dahil sa resbak na ‘yan ni Rep. Cayetano, si Sen. Lacson, natameme, ha-ha-ha!
◘◘◘
MAGALING ANG PANUKALANG PABAHAY NI SEN. “BONG” GO—Sa lahat ng mga pulitikong nagpanukala ng libreng-pabahay, ang panukala ni Sen. Christopher “Bong” Go ang “the best”.
Ang panukalang libreng pabahay ng ibang pulitiko ay paaalisin ang mga informal settler sa lugar na matagal na nilang tinitirhan at ililipat sa malayong relocation site kaya pumapalag ang mga iskuwater at nanlalaban sa demolition team at anti-riot policemen, pero sa panukala ni Sen. “Bong” Go, hindi na paaalisin ang mga iskuwater sa kanilang tinitirhan dahil ang lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay ay bibilhin ng gobyerno at tatayuan ng maayos na pabahay upang dito na lifetime silang manirahan, palakpakan naman d’yan!
◘◘◘
HARRY ROQUE, “NAGPAPAPANSIN” KAY P-DUTERTE—Ayon kay ex-Presidential Spokesman Harry Roque, huwag na raw pansinin ni P-Duterte ang gagawing imbestigasyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa isyu ng EJK sa Pilipinas dahil wala naman daw itong power mag-prosecute.
Biglang umepal si Roque sa isyung ito para siguro “mapansin” sa pagbabakasakaling bigyan ulit siya ni P-Duterte ng puwesto sa gobyerno, boom!
◘◘◘
PA-BOOKIES NG “NINONG” NI MAYOR ISKO SA MAYNILA?—Isang “Boy Abang” na nagpapakilalang “ninong” ni Mayor Isko Moreno ang nag-operate raw ng pa-bookies sa Maynila.
Dapat ipatokhang na ni Mayor Isko si “Boy Abang” kasi maganda na ng arrived niya sa publiko at tila itong nagpapakilalang “ninong” daw niya ang sisira sa magandang imahe niya sa Maynila, period!





Comments