top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dahil sa dami ng kaso ng pang-aabuso | Pangangasiwa sa OFWs, nais ng pamunuan ng gobyerno

  • Ryan B. Sison
  • Jul 15, 2019
  • 1 min read

SA talumpati ni Pangulong Rodrigo Du­terte sa Camp Aguinaldo, sinabi niyang hindi na niya umano papayagan ang mga private recruitment agency na kumuha ng mga mang­gagawang Pinoy para magtrabaho sa ibang bansa.

Ito ay dahil sa sunud-sunod na pang-aabu­song ginawa sa ating mga kababayan kung saan hindi sila naprotektahan laban sa pang­mamaltrato ng kanilang mga amo.

Gayunman, bagama’t, may ilan tayong ka­babayan na nagkakaroon ng magandang buhay dahil sa pag-a-abroad, hindi natin ma­ipagka­kailang napakahirap pa rin ng buhay doon.

Samantala, sinabi ng pangulo na ipatata­wag niya ang mga recruitment agency upang makipagdayalogo, pero kung hindi sila maki­kinig ay isasailalim sa ban.

Dagdag pa rito, kung nais nilang magpa­tuloy sa pagkuha ng mga manggagawa dapat nasa ilalim sila ng pangangasiwa ng gobyerno dahil ganu’n ang gustong mangyari ng pa­ngulo.

Sa katunayan, ipinag-utos din nito ang pagbuo ng Department of Overseas Filipino Workers (DOWF) para sa pamamahala sa recruitment at iba pang isyu ng mga OFW.

Kaya, hangad nating paigtingin pa ang proteksiyon para sa mga OFW na patuloy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa para mag­karoon sila at ang kanilang pamilya ng ma­gandang buhay.

Huwag natin silang pabayaan dahil kung tutuusin, para silang mga bayani dahil sa sakripisyo at pagtitiis na kanilang ginagawa, araw-araw.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page