BIGTIME PUSHER TIMBOG
Pabs Hernandez III
Jul 15, 2019
1 min read
ISABELA—Isang bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Sagana, Santiago City sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Joselito David, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 18 sachets ng shabu at marijuana sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si David na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments