top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bangkay nakabalot sa kumot, may nakataling pabigat | NAWAWALANG ENGINEER, NATAGPUAN SA LAWA

  • Jeff Tumbado
  • Jul 15, 2019
  • 1 min read

NAREKOBER ang bangkay ng nawawalang engineer habang palutang-lutang sa lawa ng Kaliraya sa Cavinti, Laguna.

Alas-2:00 kamakalawa ng hapon nang makita ng dalawang manggagawa ang bangkay ni Jebbie Fuentes Beatriz, 38, ilang metro lamang ang layo mula sa ginagawang golf course sa isang resort sa Bgy. East Talaongan.

Batay sa ulat ng Cavinti Police, nakabalot sa kumot ang katawan ng biktima habang nakatali sa beywang nito ang isang sako na may malalaking tipak ng bato na pinaniniwalaang ginamit na pabigat upang hindi ito lumutang.

Ilang personal din na gamit ng biktima kasama na ang tuwalya, t-shirt, dalawang duguang unan at martilyo ang natagpuan sa loob ng sako.

Si Beatriz, na contractor ng kumpanyang DB-Israel Engineering Services bilang in-charge sa construction project ng ginagawang resort sa lugar ay positibong nakilala ng kanya mismong mga tauhan.

Ayon kay Cavinti Police Chief Captain Abelardo Jarabejo III, nakitaan ng dalawang tama ng matigas na bagay ang ulo ng biktima na posibleng bakas ng paghampas ng martilyo sa ulo nito.

Napag-alaman na unang iniulat sa pulisya na nawawala ang biktima noong July 9 kung saan isang Augusto Miraya, Jr., ang nag-file ng report sa kanyang pagkawala na ngayon ay siya nang person of interest sa krimen dahil hindi na ito nakita pa matapos mag-report sa kinauukulan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page