2 linggo pa lang sa puwesto | MAYOR ISKO, PAPATAYIN

TADTAD na umano ng death threats si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.
Ayon kay Third District Councilor Manuel “Letlet” Zarcal, malapit na kaibigan ni Moreno, na ang mga pagbabanta ay nanggagaling sa iba’t ibang sources na malamang na nasagasaan umano ni Moreno sa pagtupad ng kanyang tungkulin.
May dalawang linggo pa lamang nang magsimulang manungkulan si Moreno bilang alkalde ng lungsod.
Gayunman, sinabi ni Zarcal na balewala naman sa alkalde ang ganu’ng pagbabanta.
“Sabi ni mayor, hazards of the job daw ‘yun and only meant to derail his efforts to rid the city of illegal vendors and syndicated, ‘organized’ vending schemes” ani Zarcal.
Una nang inaalok si Moreno ng P5 milyon kada araw para lamang payagan ang pananatili ng mga vendor sa kalsada.
Ang mga naalis na vendor ay patuloy na lumalapit kay Moreno sa pamamagitan ng kanilang mga koneksiyon na umaasang magbabago pa ang isip nito.
Paulit-ulit na sinasabi ni Moreno na desidido siyang linisin ang Divisoria, Recto, Ylaya , Juan Luna , Soler, Carmen Planas, Tabora, Asuncion, Villalobos, Carriedo, C. Palanca , Ronquillo , Raon at Evangelista laban sa mga vendor.
Tumanggi naman si Zarcal na idetalye pa ang posibleng pinanggagalingan ng mga banta sa buhay ni Moreno.





Comments