WANTED NA RAPIST NASAKOTE
- Pabs Hernandez III
- Jul 14, 2019
- 1 min read
LA UNION—Isang most wanted na rapist ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Madayegdeg, San Fernando sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Rene David, residente ng Bgy. Pandacaqui, Mexico, Pampanga.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si David sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments