TANGKANG PAGHULI SA BRITISH TANKER, BIGO
- Jersey Sanchez
- Jul 14, 2019
- 1 min read
BIGO ang limang armadong barko na hinihinalang pagmamay-ari ng Iran na dakpin ang British oil tanker sa Strait of Hormuz matapos itaboy ng Royal Navy Vessel.
Nagtangka umanong harangin ng limang Iranian boats ang naturang British oil tanker.
Ayon sa US officials, noong Hulyo 10, ipinag-utos ng Iran sa British Heritage oil tanker na baguhin nito ang daraanang kurso at tumigil sa Iranian territorial waters.
Ngunit, dumating ang British-owned HMS Montrose at agad tinutukan ng baril ang mga barko ng Iran dahilan para hindi matuloy ang balak ng mga ito.
Naganap ang insidente ilang oras matapos magbigay-babala ni Iranian President Hassan Rouhani na may matinding kahihinatnan ang Britanya sa paghuli sa barko na pagmamay-ari ng Iran noong nakaraang linggo.





Comments