top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Para makaiwas daw kayo sa temptasyon, mga lodi! “KITCHEN SAFE” NA EPEKTIB NA PANLABAN SA BAD HABITS,

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 14, 2019
  • 2 min read

Marami sa atin ang hindi nagiging productive at nagpo-procrastinate da­hil sa distraction mula sa gadgets, par­tikular sa cellphone. Pero, alam ba ninyo na puwede na itong maiwasan dahil sa kakaibang bagay na hindi basta-bas­tang nabubuksan? Hmmm…

Mayroon nang naimbentong bagay o kung tawagin ay “safe” kung saan ibang-iba ito sa regular na safe na alam natin dahil hindi ito basta-bastang nabubuksan kung kailan natin gusto.

Tinawag itong “Kitchen Safe” dahil ito ay orihinal na idinisenyo para sa mga user na nagda-diet kung saan puwedeng ilagay dito ang mga pagkain na nakasasama sa kanilang diet.

Pero, ilang users ang nakadiskubre ng iba pang gamit nito dahil ayon sa kanila, epektibo rin ito sa kanila para makaiwas sa procrastination.

Ito ay dahil puwede ring ilagay sa Kit­chen Safe ang smartphone at nintendo switch control­­l­­ers kung gustong makapag-focus ng user at makaiwas sa distraction, gayundin, para maging productive sila.

Para gamitin ang Kitchen Safe, ilagay lamang sa container ang gusto mong ilagay dito tulad ng gadgets, pagkain at iba pa at ilagay ang takip o lid.

Sa lid, makikita ang timer na nasa LCD display, button at dial na ginagamit sa pag-set ng timer.

Ayon sa mga developer ng Kitchen Safe, puwedeng i-set ang timer mula isang minuto hanggang 10 araw.

Para i-lock ang Kitchen Safe, i-set ang timer gamit ang dial at pindutin ang button para tuluyang mag-lock. Hindi umano puwedeng buksan ang Kitchen Safe hangga’t hindi pa tapos ang timer.

Samantala, ayon sa iba pang gumagamit ng Kitchen Safe, para mabawasan ang kanilang paninigarilyo, ginagamit nila ito habang ang iba naman ay credit cards ang inilalagay dito para maiwasan ang kanilang bad shopping habits.

Ang Kitchen Safe ay nagkakahalagang ¥12,850 o $117 at ¥38,815 o $354, depende sa size at kulay.

‘Ika nga nila, modern problems requires modern solutions. Kaya, mga besh, kung gusto ninyong labanan ang mga temptasyon sa paligid ninyo, try n’yo na ito!

Siguradong hindi na kayo maaadik sa kase-cellphone at kakakain ng mga bawal sa inyo. Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page