Palengke nagliyab

TINATAYANG nasa higit P1 milyon ang naabo matapos sumiklab ang malaking sunog sa Taal Public Market, sa Bgy. Zone 1, Taal, Batangas.
Sa report ng Bureau of Fire Protection, alas-7:15 ng umaga nang magsimula ang sunog sa Bridal Shop na pag-aari ni Normielita Correa.
Mabilis nitong tinupok ang ilang kalapit na tindahan kung saan gawa pa ang iba sa light materials.
Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog kaya humingi na ng responde sa mga kalapit-bayan.
Idineklarang kontrolado ang sunog alas-7:50 ng umaga habang patuloy ang isinagawang imbestigasyon.





Comments