Pagdetalye sa presyo ng gas, hinarang ng korte

HINARANG ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) sa pamamagitan ng Temporary Restraining Order (TRO) ang ipinalabas na circular ng Department of Energy (DOE) sa mga oil company na himayin at idetalye ang itinatakda nilang batayan sa presyo ng petrolyo.
Ipinalabas ang TRO base sa inihaing petisyon ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation dahil naniniwala sila na hahantong ito sa pagbabalik ng regulasyon sa industriya ng produktong petrolyo.
Sinasabing nakakita ng dahilan para isyuhan ng TRO ang pagpapatupad ng nabanggit na circular.
Dalawampung araw na ipatutupad ang TRO matapos matanggap ito ng DOE.
Ayon kay Energy Asst. Secretary Leonido Pulido lll, natanggap na nila ang kopya ng TRO nitong ika-8 ng Hulyo.
Matatandaang, una nang sinabi ng kagawaran na layon ng naturang circular na makita kung makatwiran ang presyo ng petrolyo at para na rin sa diwa ng Right of Information ng publiko.





Comments