Motor sumalpok sa poste, angkas dedo

ISA ang nasawi habang isa ang nasa kritikal na kalagayan matapos sumalpok sa poste ng kuryente ang minamaneho nitong motorsiklo sa Bgy. Pury, San Antonio, Quezon.
Base sa imbestigasyon, mag-aalas-12:00 ng hatinggabi, sakay ng motorsiklo si Jun Paulo Loisaga, 29, ng Bgy. Bolbok, Lipa City, kasama ang angkas nitong nasawi na si Joel Balane, 43, security guard, ng Bgy. San Pedro, Tiaong, Quezon.
Dahil kapwa nasa impluwensiya umano ng alak, nawalan ito ng kontrol sa manibela hanggang sa kumabig ang motor sa kabilang linya.
Nagtuluy-tuloy itong sumalpok sa poste kung saan tumilapon ang dalawa.
Tinulungan naman silang madala sa pagamutan ng ilang concern citizen subalit, isa ang idineklarang dead-on-arrival.





Comments