top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

MCCULLOUGH AT FAJARDO GINIBA ANG E-PAINTERS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 14, 2019
  • 1 min read

NILAGOK ng San Miguel Beer ang three-game winning streak matapos nilang pagulungin ang Rain or Shine Elasto Painters, 89-87 kagabi sa PBA Commissioner’s Cup sa Cagayan De Oro City.

Tumikada si import Chris Mccullough ng 24 points, 17 rebounds at apat na assists upang tulungan ang Beermen na ilista ang 5-5 record. Bumakas naman si fivetime Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo ng 23 markers at 15 boards para sa San Miguel Beer.

Napalaban ng todo ang Beermen sa unang dalawang periods, kumapit sila sa second quarter upang maagaw ang unahan, 47-44 sa halftime. Tangan ng Elasto Painters ang 18-14 bentahe sa first canto. Pinahirapan ng RoS ang Beermen sa third canto kaya nasikwat ng EPainters ang 67-63 abante sa

fourth quarter.

Samantala, pakay ng Barangay Ginebra Gin Kings na tunggain ang pangatlong sunod na panalo pagharap nila sa Columbian Dyip ngayong gabi sa Araneta Coliseum.

Tangan ang 6-4 card, nakuha ng Gin Kings ang huling panalo nang kalusin nila ang Magnolia Hotshots, 102-81 noong nakaraang Linggo.

Pinasan ni import Justin Brownlee ang crowd favorite Ginebra upang kalawitin ang pang-anim na panalo. Kaya naman, muling sasandalan ng Gin Kings si Brownlee pagarangkada ng laro sa ala-6:45 ng gabi pagkatapos ng banatan sa pagitan ng Alaska Aces at Blackwater Elite sa alas-

4:30 ng hapon. (ATD)

Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)

4:30 p.m. - Alaska vs Blackwater

6:45 p.m. - Bgy. Ginebra vs Columbian Dyip

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page