LADY GOLFER GUCE, PANG-7 SA LPGA MARATHON CLASSIC

NAGPARAMDAMng kanyang potensiyal ang Fil-Am lady golfer na si Clariss Guce matapos itong pumalo ng mainit na 5-under- par-66 sa opening round at ngayon ay nasa pampitong puwesto sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) Marathon Classic Tournament na masasaksihan sa palaruan ng Highland Meadows Golf Club ng Sylvania, Ohio noong Biyernes ng umaga (oras sa Pilipinas).
Pagkatapos ng isang birdie sa pang-apat na butas at isang bogey sa pampitong butas, kumamada si Guce, isang rookie sa pinakamalupit sa women’s tour sa mundo, ng limang birdies kabilang na ang apat na magkakasunod sa huling apat na stops (hole nos. 9, 15, 16, 17 at 18).
Ito na ang pinakamainit na round ng Fil-Am parbuster sa LPGA at nasa magandang posisyon siya para makapasok sa weekend play sa kanyang pangatlong sunod na pagkakataon. Nasa magandang puwesto rin siya para sa kanyang unang top 10 finish sa tour.
Matamlay naman ang arangkada ng pambato ng Canlubang na si Dottie Ardina dahil sa naisumite nitong even par 71. Dalawang bogeys (holes 6 at 11) ang bumulaga sa kanya bago ito nakabawi sa tulong ng dalawang birdies (holes 15 at 17) sa kanyang unang 71 holes. Kagagaling lang ng dating jungolf standout ng Pilipinas sa isang top 15 perfomance (nagkakahalaga ng $25,166) bitbit ang isang 20-Under-par 268 sa 2019 Thornberry Creek Tournament sa Oneida Legends Championship Course ng Wisconsin.
Si Ardina, pangalawa sa 2018 Symetra Tour moneyboard, ay no. 122 sa tour rankings habang si Guce, anak ng dating premyadong hinete ng Pilipinas, ay pang-139.





Comments