Kelot niratrat ng riding-in-tandem

UTAS ang isang lalaki na sangkot sa pamamaril matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa isla ng Mactan sa Cebu.
Biyernes ng umaga nang tinambangan at mapatay ang 56-anyos na pedicab driver na si Romeo Calunod sa bayan ng Cordova.
Napag-alamang hinatid lamang ni Calunod ang pamangkin nito sa Upper Highway sa Bgy. Pilipog at pauwi na ito nang sundan ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo.
Ayon kay Police Master Sergeant Marvin Ando, dead-on-the-spot ang biktima nang mapuruhan ng bala sa kanyang dibdib at ulo nito.
Sinasabing ganti ang umano’y motibo sa pagpatay kay Calunod na nabatid na suspek din ito sa pamamaril, may 10 taon na ang nakalipas.





Comments