Kasabay pa ng stepmom na si Mariel… KYLIE, 5 MONTHS BUNTIS, TSUGI SA SERYE
- BULGAR

- Jul 14, 2019
- 1 min read

PAREHONG preggy ngayon sina Mariel Rodriguez at Kylie Padilla at halos sabay silang manganganak sa November. Kaya bale five months na ang ipinagbubuntis nina Mariel at Kylie.
Marami naman ang nanghihinayang kay Kylie na may bago sanang serye sa GMA-7 na follow-up ng Toda One I Love. Pero dahil preggy ay hindi na naibigay sa kanya.
Magda-dalawang taon na ang panganay nila ni Aljur Abrenica na si Baby Alas. Kaya wish ng iba na baby girl na ang susunod nilang anak. Tiyak, tisay din ito at magmamana kay Kylie.
Sa birthday daw ni Alas sa August, ia-announce na formally ang pagbubuntis ni Kylie.





Comments