Ipinapasadang taxi, tinangay | DRIVER, KULONG

ARESTADO ang isang taxi driver matapos tangayin ang ipinapasadang taxi mula sa Valenzuela City, makaraang maispatan sa isang sabungan habang naghihintay ng pasahero sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong R.A. 10883 o Anti-Carnapping Law at estafa thru swindling sa Valenzuela City Prosecutor’s Office si Danilo Talan, 48, biyudo, ng Novaliches, Quezon City.
Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces, unang tinanggap ang suspek ni Valera Modesto, Jr., 45, taxi operator, para ipasada ang kanyang taxi noong July 5 at nagkasundo ang mga ito na P1,500 ang boundary.
Mula noon, hindi na nakipag-ugnayan si Talan kay Modesto at hindi na rin ibinalik ang taxi na naging dahilan upang magsampa ng reklamo ang biktima sa Anti-Carnapping Unit ng Valenzuela police.
Alas-7:00 ng Biyernes ng gabi nang makatanggap si Modesto ng tawag mula sa kanyang kapwa operator na ang kanyang nawawalang taxi ay nakita sa harap ng isang sabungan.
Kasama si Gregorio Caligua, Jr., pinuntahan ng mga ito ang naturang lugar kung saan naabutan nila ang suspek na papaalis na sa lugar sakay ng tinangay na taxi.





Comments