Ang aking pamilya Ni: Encarnado Micko, Sr.


Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay,
ang mga magulang ko ang aking taga-gabay.
Sa mundong puno ng lungkot at problema,
hindi nila ako hinayaang mag-isa at walang kasama.
Bilang anak, hindi man ako perpekto,
ayos lang dahil sila nama’y mahal ko.
Hindi ko man ipakita ang pagmamahal na ito
alam kong nararamdaman ito ng kanilang puso.
Paano ko nga ba makalilimutan,
ang napakainit na bisig ng aking mga magulang
na siyang aking naging kanlungan magmula ng ako ay isinilang?
Salamat sa inyo, aking ama’t ina!
Sa walang sawa ninyong pagsuporta.
Alay ko sa inyo ang
matatanggap na medalya
kapalit ng inyong maayos na pag-aaruga.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments