Todo-deny na namumulitika siya… HIRIT NI MATTEO: P-DIGONG KAILANGAN KO LANG SUNDIN
- BULGAR

- Jul 13, 2019
- 1 min read

NILINAW ni Matteo Guidicelli na hindi naman totoong iiwan na niya ang show business at magsu-sundalo na lang siya.
“I’m a hundred percent in showbiz. You know, I came back and my manager said, ‘Matteo, it’s time to work,’ so we have projects kumbaga,” sabi ng aktor sa guesting niya sa Tonight with Boy Abunda.
Matatandaan nga kasing sumailalim sa isang buwang training si Matteo kamakailan as Army reservist at hindi pa siya ulit napapanood sa mga movie or TV projects kaya marami ang nag-aakala na iiwan na niya ang pag-aartista.
Ibinalita ni Matteo na may gagawin daw siyang dalawang pelikula this year at may documentary film daw silang ipo-produce na tumatalakay sa army.
Sinagot din ng aktor ang akusasyon ng mga bashers na masyado siyang namumulitika lately dahil nga sa mga papuri niya kay President Rodrigo Duterte.
“In Instagram, they always tell me, ‘Matteo, you’re being political, etcetera, etcetera.’ No, I’m not. I’m sticking to the Army. I’m staying with the Army. I’m representing the Army.
“So, I’m not endorsing anybody or whatever. Kapag kasama ko si Presidente (Duterte), siya ‘yung commander-in-chief namin, so we have to follow him,” pahayag ni Matteo.
Nang matanong kung kailan sila pakakasal ni Sarah Geronimo, walang maisagot si Matteo kaya sey ng host na si Boy Abunda, nasa wastong gulang na sila bilang 30 years old na rin ang kanyang girlfriend.
Naaliw kami sa sagot ni Matteo kay Kuya Boy na kausapin daw nito si Sarah, na parang ang dating ay humihingi siya ng tulong sa TV host para kumbinsihin ang GF na magpakasal na sila.





Comments