ROAD WARRIORS PINASADAHAN ANG FUEL MASTERS


SINAGASAAN ng NLEX Road Warriors ang 87-85 panalo upang pagulungin ang Phoenix Fuel Masters kagabi sa PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Nagtala si import Oluseyi Ashaolu ng 17 points, 17 rebounds at limang assists upang tulungan ang NLEX na ilista ang 3-8 baraha. Maagang uminit ang opensa ng Road Warriors, hinarurot nila ang 13-point lead, 45-32 sa halftime.
Hindi nagpabaya ang NLEX sa third canto kaya nanatili sila sa unahan, 65-54 papasok ng fourth. Sinabayan ng Road Warriors ang Fuel Masters sa huling quarter kaya nakuha nila ang panalo. Samantala, target ng San Miguel Beer ang three-game winning streak pagharap nila sa Rain or Shine Elasto Painters ngayong alas-5 ng hapon sa Cagayan de Oro City. Malupit ang replacement import ng Beermen na si Chris McCullough, dalawang larong nagpakitang-gilas kaya kinamada nila ang 4-5 karta. Pero, paalala si SMB forward Arwind Santos, kailangang mag-focus sila sa laro para makalawit ang korona ngayong conference. Pumasok ang Beermen sa magic 8 matapos lagukin ang 128-108 panalo kontra Phoenix kaya may pag-asa pa sila sa playoff. “Kailangan pagbutihan pa namin, ‘wag kaming mawawala sa mga ginagawa namin at ma-maintain namin ‘to hanggang sa dulo,” ani Santos. Sinabi pa ni Santos na ipagpatuloy lang ni McCullough ang magandang laro, sinisiguro niyang mahihirapan silang talunin ang San Miguel. (ATD)
Laro ngayon: (Cagayan de Oro City)
5:00 p.m. - Rain or Shine vs San Miguel Beer





Comments