MANDIRIGMANG KNIGHTS, ILOILO AT PARAÑAQUE, PETMALU SA MPBL


IPINAMALAS ng reigning champion San Juan Knights ang mabangis nilang porma noong Miyerkules ng gabi nang pitpitin ang expansion team Bacolod-Master Sardines, 95-71, sa MPBL Lakan Season sa Olivarez College Gym.
Nagpasabog si John Wilson ng 22 points habang si Jhonard Clarito, ang bayani ng last season finals, ay nakagawa ng 16 puntos nang manatiling unbeaten ang Knights sa apat na laro at sumolo-lider sa torneo ng Lakandula Cup.
“I just told the players, kailangan business as usual pa rin kami. ‘Yung mga team, naglakasan ngayon. Whether we are facing an A-grade team or a marginal team, dapat parehas lang ang level ng intensity of play namin,” pakli ni San Juan coach Randy Alcantara.
Sa ibang laro naman, nagbalik sa winning track ang Iloilo at Parañaque nang manaig sa kani-kanilang karibal.
Nagpasabog ang Iloilo United Royals ng 19-point lead hanggang sa makaligtas sa 92-90 victory kontra kapwa newcomer Nueva Ecija-MiGuard.
Ito ang ikatlong panalo sa apat na laro ng United Royals, pero hindi pa rin kumbinsido rito si head coach Eric Gonzales. “Yes, a win is a win, but I’m not satisfied,” dagdag ni Gonzales. “Feeling ko kanina, ‘yung mga player ko, parang nagta-tryout kasi nagpapasiklab.”
Inasahan naman ng Parañaque, ang dating players na sina Jemal Vizcarra at Popoy Banzali upang daigin ang Navotas, 82-71.
May 9 na puntos ang nagawa ni Vizcarra nang manaig sa Clutch na natalo sa ikalawang laro sa tatlong games. Pinag-ibayo naman ng Parañaque ang win-loss record sa 2-3. (MC)





Comments