Kung maaaring anak ang magpatuloy sa pagbabayad ng loan ng kanyang ina

Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung maaari bang ako bilang anak ang magpatuloy sa pagbabayad sa ini-loan ng aking ina na socialized and low cost housing ngayong bed-ridden na siya dahil sa malubhang karamdaman? — Marites
Dear Marites,
Para sa inyong kaalaman, ang Implementing Rules and Regulations of Housing Loan Restructuring and Condonation of Penalties Under Republic Act No. 9507 o ang “Socialized and Low Cost Housing Loan Restructuring and Condonation Program” ay naaangkop sa inyong sitwasyon. Ayon sa nasabing Rules”:
“Section 7. ACCOUNTS OF BORROWERS WHO BECOME PERMANENTLY PHYSICALLY INCAPACITATED
In case of permanent physical incapacity of a borrower, his/her legal heirs and successor-in-interest may assume payment of his/her outstanding housing loan. Such legal heirs and successors-in-interest must pass the HGC’s eligibility requirement before they are allowed to assume payment of the borrower’s loan obligation. In case of death of the borrower, the proceeds of the Mortgage Redemption Insurance (MRI) shall be fully applied. Any remaining balance shall be amortized by the legal heirs of successor-in-interest” (Binigyang-diin).
Sang-ayon sa nabanggit, bilang anak, maaari ninyong ipagpatuloy ang pagbabayad sa outstanding loan ng inyong ina kung inyong maipapasa ang eligibility requirements ng Home Guaranty Corporation (HGC).
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments