'Di raw bastos, proud pa! SUE, IDINISPLEY SA STAGE ANG BAKAT NA BAKAT NA NIPPLES
- BULGAR

- Jul 13, 2019
- 2 min read

MAY pasabog at umagaw ng eksena si Sue Ramirez sa grand launch ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Phils. (FDCP) headed by Chairwoman Liza Diño-Seguerra na ginanap nu’ng Huwebes sa Sequoia Hotel sa QC.
Si Sue ang bida sa Cuddle Weather na isa sa 10 entries na mapalad na pumasok sa PPP ngayong taon. Katambal ni Sue sa sex-comedy movie si RK Bagatsing.
Dahil ‘pokp*k’ ang role ni Sue sa movie, isinabuhay niya ang karakter niya sa media launch. Kaya pag-akyat niya ng stage nang ipakilala ang kanilang pelikula, buong-ningning na ipinagsigawan ni Sue na wala siyang suot na bra, sabay hawi sa suot na blazer para ipakita ang puting tube kung saan nag-hello ang bakat na bakat niyang nipples.
Medyo na-shocked ang marami pero idinaan na lang sa tawanan, lalo na nang mag-follow-up joke si Tuesday Vargas (na isa naman sa cast ng LSS) na wala naman siyang suot na panty.
Na-one-on-one interview namin si Sue bago pa nagsimula ang launching ng PPP at nasabi nga niya na after doing the film, ang advocacy niya ngayon ay ipaunawa sa lahat na… “Kapag nakakita sila ng babaeng walang masyadong saplot, ‘di bastos ang tawag du’n.”
Dati pa naman daw nagpo-pose nang naka-two-piece si Sue at wala siyang malisya sa katawan kaya normal na lang ang mga sexy scenes na ginawa nila ni RK sa Cuddle Weather.
“I think, perfect ‘tong project na ‘to for me kasi ‘di ko siya nakikitang bastos. ‘Di ko siya nakikitaan ng malisya. Kumbaga, ‘yun ang work ng character ko, eh,” dagdag niya.
Expected na raw niya kung may mga mamba-bash sa kanya dahil sa role niya, pero ang gusto raw niyang makita ng mga tao ay hindi si Sue kundi ‘yung character niya bilang si Adela na isa ngang sex worker sa Cuddle Weather.
At kung pagpantasyahan man daw siya ng mga lalaki dahil sa pagpapa-sexy niya, sagot lang ni Sue, “Sige! Hindi pa ba? Sa dami ng ipino-post kong two-piece pictures? Kung gusto nilang gawin ‘yun, wala namang problema.”
Pero siyempre, sa BF niya for 2 yrs. na si Joao Constancia ay ‘di okay na pagpantasyahan siya, pero wala naman daw magagawa ang aktor-singer dahil trabaho nila ito bilang artista kaya sinuportahan na lang niya ang gusto ni Sue.
Ang Cuddle Weather na mula sa direksiyon ni Rod Marmol ay isa lang sa 10 entries sa 3rd PPP. Ang iba pa ay ang LSS (Last Song Syndrome); The Panti Sisters; G; I’m Ellenya L.; Open at Watch Me Kill, while ang tatlong movies na kasama sa PPP Sandaan Showcase ay Circa, Lola Igna at Pagbalik.
Ang lahat ng 10 pelikula ay mapapanood mula Sept. 13 to 19 in all cinemas nationwide.




Comments