Construction worker, wanted | MISIS PINASOK SA BAHAY, KINATAY
- Levi Gonzales
- Jul 13, 2019
- 1 min read

PATULOY ang pagtugis sa isang construction worker matapos nitong pagsasaksakin ang 46-anyos na ginang sa Bgy. Buensuceso, Gumaca, Quezon.
Alas-2:30 ng hapon habang nasa loob ng kanyang bahay ang biktimang si Emelyn Morante, may asawa, nang pasukin siya ng suspek na si Alvin Soriano, 37.
Agad itong pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago tumakas.
Mabilis namang dinala sa pagamutan ang biktima subalit, idineklarang dead-on-arrival sanhi ng tinamo nitong malalalim na sugat sa katawan.
Samantala, inaalam pa ang motibo sa krimen.





Comments