top of page
Pokwang.jpg

Cong. Cayetano, 'di pa nauupong Speaker, gusto nang patalsikin

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 13, 2019
2 min read

18 BANSA NA NAG-YES NA IMBESTIGA­HAN ANG EJK SA PILIPINAS, MALAMANG, MAKATIKIM NG MURA KAY P-DUTERTE—Tuloy na ang isasagawang imbestigasyon ng United Nations (UN) Human Rights Council sa EJK sa Pilipinas matapos paboran ng 18 bansa na imbestigahan ang mga patayang nagaganap sa bansa.

Dahil d’yan, asahan nang makatitikim ng mga malulutong na mura kay P-Duterte ang 18 bansang ito, abangan!

◘◘◘

IMBES NA KAPAKANAN NG MAMA­MA­YAN, KAPAKANAN NG MGA PULITIKO ANG ISUSULONG NI CAYE­TANO—Sabi ni Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano, kapag umakto na siyang Speaker, isusulong daw niya na maging 4 taon o hanggang 5 taon ang termino ng mga kongresista.

Hay naku, imbes na kapakanan ng mamamayan ang isipin, eh, kapaka­nan nilang mga pulitiko ang nais isulong ni Rep. Cayetano sa Kongreso, buwisit!

◘◘◘

SABI NI “PULONG”, MAY “MAGKUKUDETA” RAW KAY CAYETANO—Ibinulgar ni Presidential Son Davao City 1st Dist. Rep. Paolo “Pulong” Duterte na kahit inendorso raw ng kanyang ama (P-Duterte) si Rep. Cayetano para maging head ng Kongreso ay hindi pa raw ito nakasisiguro sa posisyon dahil may nakuha raw siyang impor­mas­yon na may mga “magkukudeta” o lalaban sa pagka-Speaker sa darating na botohan sa Speakership ngayong July 22, 2019.

Kung totoo ‘yan, napakasaklap naman para kay Rep. Cayetano kasi hindi pa siya umuupong Speaker, may mga “magkukudeta” na sa kanya sa Kongreso, boom!

◘◘◘

MAKAPALAG KAYA SI MAYOR ISKO SA MGA “CHINESE FRIEND” NI P-DUTERTE?—Sabi ni Mayor Isko Moreno, hindi raw niya pahihintulutan ang sinumang negosyante na bilhin ang lupa at tayuan ng mga gusali ang mga cultural heritage o kultural na pamana sa Maynila.

Kapag ang mga negosyanteng “Chinese friend” ni P-Duterte ang magkainteres na bilhin at ipagiba ang mga cultural heritage sa Maynila para tayuan ng gusaling pangnegosyo, makapalag kaya si Mayor Isko? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page