top of page
Pokwang.jpg

Biyaheng five minutes mula Cubao hanggang Makati City, joke lang!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 13, 2019
1 min read

NAGHAHANAP na rin ng tubig ang India sa buwan.

Akala ko sa Angat Dam.

He-he-he!

◘◘◘

HINIHINTAY ang “biyaheng five minutes” mula Cubao hanggang Makati City.

Hindi na kayo nasanay sa joke!

◘◘◘

NILILINIS ni Mayor Isko ang Maynila.

Puwede na siyang maging presidente ng TODA!

◘◘◘

PUWEDENG gamitin ni Mayor Isko ang performance sa Maynila tulad sa diskarte nina P-Digong at ex-VP-Binay.

Isang epektibong formula ini!

◘◘◘

SINASABING muntik nang maging pangulo ng Pilipinas si dating Manila Mayor Arsenio Lacson dahil sa performance sa May­nila.

Pero, nadisgrasya siya sa “kandungan” ng popular na aktres!

◘◘◘

HIGIT daw na popular si Lacson kaysa kay ex-P-Ferdinand Mar­cos.

‘Yun nga lang, mas buwenas at matalino si Makoy!

◘◘◘

MARAMI pang da­pat gawin sa Maynila si Mayor Isko.

Napakarumi ng buong Maynila at ubod nang baho.

Pasyalan niya ang lahat ng ilalim ng LRT stations, masusu­ka siya!

◘◘◘

KAPAG nagawa ni Mayor Isko na kasin­linis ng Singapore ang Maynila, maaari talaga siyang maupo sa Malacañang.

May punto si Sen. Ralph Recto, hindi kailangang baguhin ang Konstitusyon sa mga radikal na pag-aayos ng buong bansa!

◘◘◘

SINO ang gagawa ng Saligang-Batas batay sa Con-Ass?

Ang mga kongresis­tang nagbebenta ng boto at nagpapadikta sa Ehekutibo?

Kung nadidiktahan ng iisang tao ang Kon­greso, nilalabag agad nila ang Konstitusyon na kanilang iimbentu­hin.

Kung nagbebenta ng boto ang mga mam­babatas, anong klase ng Konstitusyon ang kanilang gagawin?

Isang simpleng “pandepot”, papel na pandakot ng etsas!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page