TV host, tiyak daw na gagaling na sa sakit… KRIS, NATUPAD NA ANG WISH NA MAKUHA SI DEREK


MAY hatid na good news at good vibes para kay Kris Aquino ang pagkakapasok ng pelikulang K(Ampon) ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival.
Si Derek Ramsay ang leading man ni Kristeta sa nasabing horror film na ididirek ni King Palisoc.
Masaya para kay Kris ang kanyang mga friends and fans. Tiyak daw na makakatulong ang balitang ito upang may maganap na ‘milagro’ at gumaling sa kanyang sakit si Kris.
Miss na miss na ng aktres/TV host ang showbiz. Tatlong taon na rin siyang umasa na muling makakabalik sa limelight at binigyan ito ng katuparan ng movie producer na si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films.
Muling ike-claim ni Krissy ang titulo niya noon na Horror Queen. Taong 2014 nang gawin ni Kris ang horror film na Feng Shui.
Natupad na rin ang pangarap ng aktres na makatambal ang friend niyang si Derek Ramsay, ang hottest leading man in showbiz.
For sure, sa big break at big project na ibinigay ng Quantum Films kay Kris ay full cooperation ang ibibigay niya sa production outfit. Bonggang-bongga tiyak ang gagawin niyang preparasyon sa K(Ampon) movie.





Comments