top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Traffic enforcer, nakatikim ng sigaw at mura sa mga pasaherong naabala sa EDSA

Ryan B. Sison
Jul 12, 2019
1 min read

“GUSTO ng pagbabago, pero ‘pag na­apektuhan ng pagbabago, magrerek­lamo!”, ganito ang nasambit ni MMDA Task Force for Special Operations Chief Bong Nebrija, ma­tapos magmura at manigaw ng ilang pasahero ng bus sa kahabaan ng EDSA.

Gayunman, sa Facebook live ni Nebrija, makikitang sinita niya ang kanilang traffic enforcer dahil tila hindi nito alam kung saan puwedeng dumaan ang bawat uri ng sasakyan.

Pero, agad namang nagsumbong ang traffic enforcer dahil minumura umano siya ng ilang pasahero ng bus na kanyang tinekitan dahil sa traffic violation.

Kaya nilapitan ni Nebrija ang bus kung saan naroon ang mga nagmura at nanigaw na mga pasahero at sinabihan ang mga ito na huwag sisihin, sigawan at murahin ang tauhan ng MMDA dahil inaayos nila ang trapiko.

Samantala, nag-ugat ang lahat ng ito dahil sa pasaway na driver ng bus na lumabag sa batas-trapiko kung saan pati ang kanyang mga pasahero ay naperhuwisyo at nag-init ang ulo.

Kaya ang panawagan natin sa lahat ng motorista, lalo na ng mga pampublikong sasakyan, huwag kayong magpasaway at sundin na lamang ang mga bagay na dapat gawin sa tuwing binabaybay ninyo ang lan­sangan.

Sa ganitong paraan, maiiwasan ninyo ang iba’t ibang klase ng aksidente, gayundin, walang pasaherong maaabala at male-late sa kanilang mga pupuntahan, partikular ang eskuwela o opisina.

Iwasan nating makipagtalo, makipagmu­rahan at makipagsigawan dahil ‘ika nga, ang problema ay naaayos sa magandang usapan at hindi sa bangayan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page