SC, hindi raw diniktahan ni P-Digong para absuweltuhin si ex-P-GMA? Hmmm...
- BULGAR

- Jul 12, 2019
- 2 min read
ITINATAG ANG “ANG PROBINSIYANO PARTYLIST” PARA MANUNTOK NG PROBINSIYANO? —Sinuntok daw nang walang dahilan ni Ang Probinsiyano Partylist Rep. Alfred delos Santos si Christian Kent Alejo, waiter ng Biggs Diner foodchain sa Legazpi City, Albay.
Aba, itinatag yata ni Cong. Delos Santos ang “Ang Probinsiyano Partylist” para manuntok ng probinsiyanong waiter, buwisit!
◘◘◘
SC, BOKYA NA SA PAMBUBUKING NI GMA, HUMIHIRIT PA—Nag-react si Supreme Court (SC) Spokesman Atty. Brian Hosaka sa pagpapasalamat ni dating Speaker ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo kay P-Duterte dahil ito raw ang naging susi kaya siya inabsuwelto ng SC sa kasong plunder.
Sabi ni Atty. Hosaka, hindi raw diniktahan ni P-Duterte ang SC para iabsuwelto si GMA.
◘◘◘
SEC. TUGADE, UMEPAL SA KASIKATAN NI MAYOR ISKO—Pinuntahan ni DOTr Sec. Arthur Tugade si Mayor Isko Moreno. Niyakap, nag-usap sandali at pagkaraan ay nagpa-presscon at sinabi sa publiko na binulungan daw niya ang alkalde na “huwag bibitaw” sa mga ginagawa nitong reporma tulad ng pagpapaalis sa mga illegal vendor sa mga kalsada sa Maynila.
Ganu’n lang? Aba, tila may planong kumandidatong senador si Sec. Tugade sa 2022 kasi bigla siyang umepal sa kasikatan ni Mayor Isko, boom!
◘◘◘
NAKASAMA PA YATA ANG DOBLADONG SUWELDO NG MGA PULIS KASI ‘YUNG IBANG PARAK, NAGSIKUHA NG KABIT—May mga misis ng pulis ang nagrereklamo kasi doblado na raw ang sahod ng kanilang mister, pero tulad ng dati ay kapos pa rin ang iniintregang suweldo sa kanila at kaya raw pala kulang ay dahil nagsipagkuha raw ng other woman at dito ibinibigay ang kalahati ng kanilang monthly salary.
Hay naku, nakasama pa yata ang pagdoblado ng Duterte gov’t. sa suweldo ng mga pulis kasi imbes na gumanda ang buhay ng kanilang pamilya ay gumulo pa kasi nagsikuha ng kabit, mga buwisit!





Comments