top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Proseso ng accreditation sa PCUP, alamin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12, 2019
  • 2 min read

PATULOY ang pagtugon ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan. Sa tulong ng PCUP, magkakaroon tayo ng access sa iba’t ibang serbisyong handog ng pamahalaan sa lupa at pabahay, pangkabuhayan, basic services at iba pa.

Upang mas mapabilis ang ating pag-access sa mga serbisyo ng ating partner agencies, mas mainam na ipa-accredit sa PCUP ang inyong samahan.

Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Paano kami makakukuha ng tamang impormasyon para maliwanagan at malaman namin kung paano sumali ang samahan namin sa urban poor? —Edgardo

Sagot

Magandang araw, Edgardo! Kung ang inyong samahan ay interesado na magpamiyembro sa PCUP, dapat malaman muna ninyo kung paano at anu-anong mga serbisyo ang inyong matatanggap?

Ang PCUP ay mayroong tatlong priority programs bukod sa mga regular na programa. Nariyan ang Adopt-a-Community, Urban Poor Privilege Card at PCUP Caravan. Kung ang inyong samahan ay accredited na, ikaw at ang inyong mga kasamahan ang unang makatatanggap ng mga serbisyo nito.

Sa proseso ng accreditation, puwede kayong kumuha ng application form sa opisina ng PCUP, mag-download sa website na pcup.gov.ph o humingi sa area coordinator sa inyong lugar.

Ipasa lamang ang mga sumusunod: (1) application form na nasagutan na; (2) listahan ng mga opisyal kalakip ang picture, address at contact numbers; (3) listahan ng miyembro na pirmado nila; (4) history ng inyong samahan; (5) kopya ng Constitution and By-Laws (CBL); (6) Mi­nutes of CBL Adoption; (7) kopya ng Certificate of Registration sa SEC, HLURB, DOLE, CDA etc. (optional) at (8) Php100 na application fee.

Bukod sa mas pinalawig na serbisyo ng PCUP sa mga accredited urban poor organization, mabibigyan din kayo nito ng “representation” o pagkakakilanlan na kayo ay lehitimong samahan. Magagamit ito ng samahan upang makasali sa pagbubuo ng mga polisya at programa na kapaki-pakinabang sa pamayanan.

Sa mga wala pa na gustong bumuo at mag-organisa ng samahan, puwede kayong humingi ng tulong at mag-request sa opisina ng organizational management training upang makapag­simulang bumuo ng samahan.

Para mapadali ang ating pag-access sa mga serbisyo ng PCUP, maaari tayong pumunta sa ating website sa www.pcup.gov.ph, bumisita sa ating Official Facebook Page na fb.com/pcupPH o magtungo sa ating ahensiya sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Prioject 7, Quezon City.

Mangyaring mag-email lamang sa pcup.media2019@gmail.com para sa inyong mga katanungan at sinisiguro nating sa susunod na paglabas ng ating column, mababasa ninyo sa pahayagang ito ang kasagutan sa inyong mga katanungan.

Inaasahan natin ang inyong mga katanungan dahil hangad natin ang magbigay-serbisyo para sa lahat. Muli, nagbabalik ang inyong lingkod upang magbigay ng direktang aksiyon para sa masa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page