Paraan para hindi lumala ang rayuma

Dear Doc. Shane,
Parehong senior citizen ang aking mga magulang kaya madalas silang makaranas ng pananakit ng muscles at joints, lalo na sa balakang at mga tuhod. Ito ba ang tinatawag nilang rayuma? Ano ang sanhi nito at paano ito maiiwasan? — Lilian
Sagot
Bagama’t, sa ngayon ay wala pang natutukoy na tiyak na sanhi ng pagkakaroon ng rayuma, sa ilang pag-aaral ay sinasabing ito ay maaaring dulot ng iba’t ibang salik. Maaaring ito ay namamana dulot ng mga kaganapan sa paligid o hormones na inilalabas ng katawan.
Maaari ring dulot ng pag-atake ng virus o bacteria na nakaaapekto sa immune system ng katawan upang atakihin ang sariling kalamnan ng mga kasu-kasuan.
Totoo ba na ang rayuma ay sakit lang ng matatanda?
Hindi ito totoo sapagkat ang rayuma ay maaari ring makaapekto sa mga batang indibidwal mula sa edad 25 hanggang 60.
Paano makaiiwas sa pagkakaroon ng rayuma?
ugaliing kumain ng masusustansiyang pagkain
matulog nang sapat
uminom ng maraming tubig
sikaping magkaroon ng regular na ehersisyo
Maraming paraan upang magamot at maibsan ang pananakit at pamamaga ng kasu-kasuan na dulot ng rayuma. Maaaring ito ay sa paraan ng pag-inom ng gamot, tamang pahinga at ehersisyo. Minsan, surgery o operasyon, pero depende sa kaso ng pasyente.
Narito ang iba pang makatutulong para maibsan ang sintomas ng rayuma:
mga gamot na kontra pamamaga at sakit tulad ng aspirin, ibuprofen at naproxen
mga gamot na ipinapahid sa bahaging apektado ng rayuma
mga gamot na narcotic na pangontra sa pananakit ng kasu-kasuan at kalamnan





Comments